LOOKING for a place na sulit, Ins t agr am wor thy, ma y masasarap na kainan and historical sites? Tara sa Cebu!
Tiyak na ‘di ka mapag-iiwanan ngayong summer sa pagtatampisaw sa Kawasan Falls sa Badian. Dito pa lang ay sulit na sulit na ang iyong bakasyon dahil ito ay series of falls.
Oo, bes, tama ang basa mo, maraming falls! Pero ‘di ka mapapagod ma-fall! Sa halagang P40, makakapasok ka na at mae-enjoy mo na mag-cliff jumping. Nag-aalok din sila ng canyoneering sa halagang P1,500, kasama na ang mga poging-poging tour guide.
Kung special someone naman ang kasama, ‘wag mag-aatubiling magpunta sa 10,000 Roses sa Cordova. Sa halagang P20, unli na ang magpa-picture sa mga artificial flowers na mula pa sa Korea. Ito ay pag-aari ng isang Korean. Umiilaw ang mga rosas sa gabi. Kaya mas maganda at mas romantic!
But wait there’s more dahil sobrang romantic din ng setup ng Lantaw Floating Restaurant, na ilang hakbang lang mula sa sampung libong rosas. Feel na feel mo ang fresh na hangin habang kumakain at nasa gitna ng tubig.
Pero kung mas gusto mo ng mas maraming bulaklak para match sa iyong outfit of the day (OOTD), Sirao Garden ang sagot. Dito makikita ang iba’t ibang uri ng bulaklak na nagpapatingkaran.
Bet na bet din ang view, umaga man o gabi, sa Tops of Cebu sa Busay. Puwede kang kumain habang nakatanaw sa spectacular view ng Cebu.
Kung medyo historical ka naman, hindi ka mabibigo dahil may mga temple na maaaring pasyalan—Taoist Temple, sa Beverly Hills at ang Temple of Leah sa Lahug.
Sa Taoist Temple, mapapasabak ka sa napakataas na hagdan patungo sa templo. Worth it naman pagsapit mo sa tuktok. Bawal mag-ingay dahil maraming nagdarasal, pero allowed namang magpakuha ng litrato. Nagbibigay din sila ng libreng tsaa at tubig dahil talaga nakakahingal umakyat.
S ady a n g ma k a s a y s a y a n ang Cebu. Dito makikita ang Sto. Niño Church at Magellan’s Cross. Matatandaang niyanig ng 7.2 magnitude ang Sto. Niño de Cebu noong 2013, ngunit walang nasugatan dahil sa kampana. Tumunog at nahulog ito kaya naglabasan ang mga tao mula sa simbahan at pawang nakaligtas.
Pinalitan na ang naturang kampana, ngunit hanggang ngayon ay inaalagaan pa rin ito at makikita sa tabi ng simbahan.
Hindi ka rin mamumroblema sa mga ipasasalubong dahil mabibili sa Taboan Public Market ang mga ipinagmamalaking produkto ng Cebu—danggit, pusit, longganisa, dried mango, peanut kisses at otap sa abot-kayang halaga! Marami pang magagandang tanawin na mapapasyalan sa Cebu, kaya tara na!
-ELLAINE DOROTHY S. CAL