Patay ang isang anim na taong gulang na lalaki, habang sugatan naman ang kanyang lola, makaraang mabaril sila ng pulis na humahabol sa dalawang holdaper sa Caloocan City, nitong Linggo ng hapon.

KIDDO

Dead on the spot si Gian Habal, 6, residente ng Camarin, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sugatan naman ang lola niyang si Elsa Francisco Montanez, 65, matapos mabaril sa paa.

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Kinumpirma naman ngayong Lunes ni Col. Restituto Arcangel, hepe ng Caloocan City Police, na sumuko na sa kanila si Cpl. Rocky Delos Reyes, na nakatalaga sa North Caloocan Police Station.

Sa inisyal na imbestigasyon, may hinahabol umanong dalawang holdper si Delos Reyes sa Camarin, dakong 4:00 ng hapon.

Binaril umano ng isa sa mga suspek si Delos Reyes, na gumanti ng putok, pero sa kasamaang palad ay nasapol sa noo — na tumagos sa likod ng bungo — ng ligaw na bala ang bata, na noon ay naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

Matapos makita ni Lola Elsa na humandusay sa kalsada ang apo, dali-dali niya itong nilapitan, ngunit siya naman ang nahagip ng bala sa paa.

Kuwento ng ina ng bata na si Jessa Habal, Grade 2 na sana sa pasukan ang kanyang anak, na pangarap maging pulis.

-Orly Barcala at Joseph Pedrajas