NANATILING malinis ang marka ng Bacoor Strike sa Serbisyo matapos pagulungin ang Caloocan-Gerry's Grill, 79-76, nitong Sabado sa Metro League Reinforced (2nd) Conference sa Caloocan Sports Complex.
Sa kabila ng maingay na home crowd, nagawang maisalba ng Bacoor ang matikas na ratsada ng Caloocan para makuha ang ikaapat na sunod na panalo sa Southern Division at manatiling tanging koponan na may malinaw na karta sa M-League na itinataguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA, Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.
Sa iba pang laro, nasungkit ng Pateros ang unang panalo matapos an masaklap na 0-3 simula nang masilat ang Pasigueno, 85-83, mula sa buzzer-beating jumper ni Richard Velchez.
Dikit ang laban matapos ang tatlong quarters bago nakasingit ang Bacoor para makuha ang 79-69 bentahe patungo sa huling dalawang minuto ng laro. Ngunit, nakabalikwas ang Supremos sa matikas na 7-0 run para makadikit sa 76-79.
Nagpakakatag naman ang Bacoor sa krusyal na sandal para maitakas ang panalo.
Nanguna si import Prince Orize sa Bacoor sa naiskor na 20 puntos at anim na rebounds, habang kumana si Mark Montuano ng 19 puntos.
Nag-ambag si Paolo Castro ng 10 puntos, dalawang rebounds at anim na assists para sa Bacoor, nagwagi sa kabila ng pagkawala ng top gunner na si Michael Mabulac na ikakasal kinabukasan.
Hataw sa Sopremos si Joseph Brutas na may 26 puntos. Bumgsak ang Caloocan sa 3-2 kasama sa second spot ng Northern Division ang Quezon City, sa likod ng all-Filipino titlist Valenzuela (2-1).
Sa ikalawang laro, nanguna si Jefferson Comia na may 14 puntos sa Junior Capitals na umusad sa 3-2 slate ng North Division sa liga na suportado rin ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation, SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream & technology partner, Spalding as official ball, Team Rebel Sports as official outfitter, PLDT as official internet provider at Manila Bulletin as media partner.
Iskor:
(Unang Laro)
QC (72) -- Espanola 19, Comia 14, Outtara 13, Estoce Jr 6, Udjan 5, Delos Reyes 5, Riva 4, Barraquias 3, Mahari 3, Macaballug 0
Marikina (65) -- Mabigat 13, Deles 10, Brown 7, Marlon Basco 6, Medina 4,Catipay 3, Mario Basco 2, Gines 2, Zapanta 0, Anderson 0"
Quarterscores: 15-14, 31-35, 56-52, 72-65
(Ikalawang Laro)
Pateros (85) -- Gerero 15, Arellano 15, Velchez 14, Quinga 12, Asis 12, Mabazza 8, Da Silva 4, Go 2, Pacleb 2, Marcial 1, Cayangan 0
Pasigueno (83) -- Okwuchukwu 26, Gatchalian 16, Gaco 15, Medina 10, Sorela 8, Caranguian 6, Jacinto 0, Rodriguez 0, Trinidad 0
Quarterscores: 16-19, 31-27, 51-48, 73-73, OT85-83
(Ikatlong Laro)
Bacoor (79) -- Orizu 20, Montuano 19, Castro 10, Doligon 9, Aquino 5, Descamento 5, Malabag 5, Acuna 4, Pangilinan 2, Maligon 0, Mirandao 0, Ochea 0
Caloocan (75) -- Brutas 26, Darang 18, Niang 11, Bauzon 5, De Mesa 5, Enriquez 5, Sombero 4, Flores 2, Tay 0
Quarterscores: 19-20, 40-41, 54-54 79-76
Mga Laro sa Martes
(Hagonoy Sports Complex, Taguig)
4:00 n.h. -- Valenzuela vs Pasig
5:30 n.h. -- Manila vs Bacoor
7:00 n.g. -- Taguig vs Marikina