GANAP ng umusad ang Ateneo de Manila University sa Final Four ng UAAP Season 81 Men’s Football Tournament matapos gapiin ang University of the East, 3-0 kahapon sa FEU-Diliman turf.
Ang tropa ni coach Jay Pee Merida ang ikalawang koponan na pumasok sa Final Four kasunod ng Far Eastern University.
“We’re very happy ngayon talaga sa result because we (entered) the Final Four. We got our first objective. We made it na so, of course, we have to back again now for the second objective which is to play better in the semi-finals,” ani Merida.
Unang umiskor si Mark Nacional para sa Blue Eagles sa 3rd minute pa lamang ng laro.
Sinundan ito ni Jarvey Gayoso sa ika-68 minuto bago ang huling goal ni midfielder Niño Herrera apat na minuto bago mag fulltime.
Dahil sa panalo, mayroon na ngayong 26 puntos ang Ateneo habang nanatili namang may 9 na puntos ang UE. Marivic Awitan