SA phone patch interview ng DZRH anchors na sina Mr. Deo Macalma at Ms. Milky Rigonan kay dating Senator Jinggoy Estrada kamakailan ay natanong ang huli kung hindi ba niya nami-miss si Sen. Leila de Lima, na naging kapitbahay niya noon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame?

jinggoy

“Hindi ko siya nami-miss,” maikling sagot ni Jinggoy, na dinugtungan ng tawa.

Tinanong naman nila ang kandidato ngayon para senador tungkol sa kanyang TV campaign ad na tumukoy sa dating senador bilang “Estradang Tunay”.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

“Napapanood namin ang inyong bagong TV commercial, Sen. Jinggoy [tungkol sa] Estradang Tunay. May fake pa po ba na Estrada?” tanong nina Mr. Deo at Ms. Milky.

“Wala akong sinasabing ganoon. Wala namang fake na Estrada. Kaya naman naging ‘tunay’ iyon kasi ang number ko sa balota, 29. So 2-9. Tunay na Anak ng Masa. Ganoon. Pero wala kong pinatutungkulan doon,” paglilinaw ni Jinggoy.

Seryosong sundot ni Mr. Deo: “Kidding aside, senator, sa palagay ninyo ay magkakaayos pa rin kayo ni Sen. JV (Ejercito)?”

“Kung sa akin, walang problema. Alam mo, kaibigang Deo, napakatagal nang sinasabi ng tatay ko iyan, noong araw pa, na kailangan magkakasundo lahat ng mga magkakapatid.

“Alam mo, I tried to reach out since then noon bago lang akong senador. I tried to reach out, kaso mo talagang hindi ko malaman kung bakit hindi nagwo-work out, dahil lahat ng aking mga kapatid, kasundo ko lahat.

“Mahal ko lahat sila. In fact, noong 75th birthday ng tatay (Manila Mayor Joseph Estrada) ko, pati mga kapatid ko sa Amerika, pinauwi ko para lang mabati ang aming ama. Lahat naman iyan kasundo ko.”

Mabuti naman kung ganu’n. At least hindi nila pinamarisan sina Cain at Abel. ‘Yun na! Insert smiley, u!

At saka kung kami ang tatanungin ay tunay at dugong Estrada Ejercito rin si Sen. JV, dahil ang tatay nila ni ex-Sen. Jinggoy ay si Manila Mayor Erap. Magkaiba nga lang ang kanilang Mommy Dearest.

So there, brother!

-MERCY LEJARDE