Dead on spot ang isang pulis nang masagasaan ng jeep habang minamaneho ang kanyang motorsiklo sa national highway sa Purok 5, Barangay Bañag, Daraga, Albay, nitong Sabado ng gabi.

PULIS (20)

Sa report na natanggap ni Albay Police Provincial Office (PPO) assistant information officer Corporal Charmie Mayores, nakilala ang nasawi na si Patrolman Reynimart Taberna, 28, nakatalaga sa Regional Mobile Force Batallion (RMFB5) sa Bicol.

Agad na sumuko sa pulisya ang driver ng jeep na si Martin Navarro, 41, ng Bgy. Caguiba, Camalig.

Senado, minamatahang ipasa 'Anti-political dynasty bill' bago magtapos ang Marso—Hontiveros

Patungo sana sa Daraga proper ang pulis, sakay ng motorsiklo nang masalpok ito ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Navarro hanggang sa masagasaan ito.

-Niño N. Luces