Nanawagan ang Department of Tourism (DoT) sa mga may-ari ng ng restaurant sa isla ng Boracay na magpa-accredit sa local government upang makontrol ang operasyon ng mga ito.
Ikinatwiran ni DoT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layunin
din nito na maabot ng mga ito ang ipinaiiral nilang pamantayan.
Umapela rin ang kalihim na gumawa ng local translations sa mga menu ng iba’t ibang restaurant, lalo na kung naka-cater ang mga ito Chinese, o Korean tourists.
Matatandang nagpalabas ang lokal na pamahalaan ng kautusan na naglalayong gamitin ang makalumang baybayin sa mga eating place at hotel upang makadagdag umano sa tropical design ng isla.