FINALLY, napanood na namin si Baron Geisler sa FPJ’s Ang Probinsyano nitong Biyernes bilang pinuno ng mga nangholdap sa bangko.

baron

Matagal na naming alam na papasok sa action serye ni Coco Martin si Baron, dahil nakita namin siya sa ginanap na 5th Sinag Maynila Opening Night sa Podium nitong Abril 3.

Bilib kami sa memorya ni Baron, dahil bilang sa mga daliri sa kanang kamay lang kung magkita kami at konting tsikahan lang, pero tanda niya ang pangalan namin at siya pa ang unang bumati.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Siyempre kinumusta namin siya at kung for good na ang pagbabalik niya sa showbiz pagkatapos niyang magbakasyon nang mahigit isang taon.

“Oo nga, eh. I’m okay naman. I have something to tell you, pero please ‘wag mo munang isusulat kasi baka hindi pa sure. Coco wants to see me sa Friday (Abril 5), may pag-uusapan daw kami,” nakangiting sabi ni Baron.

Natuwa kami sa balitang ito ng aktor, at sinabi namin na sana ay kunin siya sa Ang Probinsyano, lalo na at that time ay malapit nang mawala ang kontrabidang karakter (Homer) ni Jhong Hilario, na kandidato para konsehal ng Makati City.

“Yes, I’m praying for it also. Sana, sana nga. Please don’t write about it,” mahigpit na bilin sa amin ni Baron at umoo naman kami.

At nang magkahiwalay kami ay inisip naming siguradong pasok na ang aktor sa Ang Probinsyano, dahil kilala naman si Coco na mahilig tumulong sa mga kasamahan niya sa industriya, lalo na sa katulad ni Baron na napakahusay na aktor.

Sigurado kaming isa si Baron sa magbibigay ng sakit ng ulo kay Coco bilang kontrabida na mala-Jhong, at sana ay magtagal din siya sa Ang Probinsyano.

H m m , teka, ang daming bagong pasok sa action serye ni Coco, tulad ni Noni Buencamino na hindi mo alam kung kontrabida o hindi. Isa pa si Leo Martinez, na nagbabadya ring maghasik ng kasamaan niya bilang mayor, at kakampi ni Mitch Valdez (Councilor Gina), bukod pa sa nauna nang pumasok sa serye si Raymart Santiago.

Ang tibay ni John Arcilla, dahil hindi pa rin siya nahuhuli ni Coco, na kakampi pala ni Lorna Tolentino bilang si Lily, na maraming illegal na negosyo.

Sa madaling salita, going four years na ang FPJ’s Ang Probinsyano at isang taon na lang at pantay na sila ng Mara Clara (1992-1997) sa tagal ng pagpapalabas sa telebisyon.

Tulad nga ng paulit-ulit naming isinusulat, paano mo papatayin ang programang kumikita at mataas ang ratings, na hindi pa natalo sa ratings game kailanman?

-REGGEE BONOAN