Itinakda ng Department of Education sa Hunyo 3 ang muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, para sa School Year 2019-2020.

OPENING

Batay sa memorandum order ni Education Secretary Leonor Briones, sa Hunyo 3 magbabalik-eskuwela ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralang elementarya at high school sa buong bansa.

Abril 3, 2020 naman magtatapos ang school year.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Pinapayagan naman ng DepEd ang mga pribadong paaralan na magtakda ng sarili nilang schedule ng pagbubukas ng klase, ngunit kinakailangang hindi ito mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo, at hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.

Ayon kay Briones, maaari namang mag-adjust ng school calendar ang mga pampublikong paaralan upang payagan ang mga eskuwelahan na magdiwang ng local at national celebrations sa kanilang lugar, para sa kapakinabangan ng mga estudyante.

Nabatid na mayroong 203 school days para sa susunod na school year, at kung sakaling magkaroon ng mga hindi planadong suspensiyon ng klase, na maaaring dulot ng kalamidad, inirerekomenda ni Briones ang pagdaraos ng make-up classes o ibang alternatibong paraan ng pagtuturo na mapagkakasunduan ng pamunuan ng paaralan, mga guro, at mga magulang.

Itinakda naman ng DepEd ang Christmas break sa mga pampublikong eskuwelahan sa Disyembre 15, 2019 hanggang Enero 5, 2020.

-Mary Ann Santiago