Nasa 500 sako ng basura, na may bigat na 15,000 kilo, ang nakolekta ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa kalahating araw na cleanup sa kahabaan ng Pasig River, nitong Sabado.
Isinisi ni PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia ang malaking bilang ng basura mula sa Manila Bay, na pumapasok sa Pasig River.
Ayon sa ahensiya, ang malaking bilang ng basura mula sa Manila Bay ay nagmula sa mga lungsod, munisipalidad, at mga probinsiyang nakapalibot dito.
Sabi ng PRRC, dahil high tide ngayon ang Manila Bay, ang agos ng mga basura ay patungo sa Pasig River.
"This is a natural phenomenon most especially observed during summer due to the changing weather conditions," dagdag nito.
-Ellalyn De Vera-Ruiz