Mahigit 200,000 multi-skill jobs sa loob at labas ng bansa ang iaalok sa nationwide job at business fair sa Mayo 1, Labor Day.
Hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang iniaalok na libu-libong bakanteng trabaho sa mga kumpanyang lalahok sa “31 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” job and business fair.
Ayon sa Bureau of Local Employment, kabilang sa top vacancies para sa mga lokal na trabaho ang customer service representatives, production machine operators, carpenters, security guards, call center agents, microfinance officers, factory workers, at marami pa.
Para naman sa mga nais mangibang-bansa, may alok na trabaho para sa nurses, factory workers, cleaners, technicians, bakers, nursing aides, food servers, auto repair personnel, service crew, at barista.
Karamihan sa mga trabahong ito ay nasa New Zealand, Saudi Arabia, Germany, Taiwan, Bahrain, UAE, Poland, at Australia.
Inabisuhan din ni Bello ang mga pupunta sa job fair na dalhin ang mga sumusunod na requirements: kopya ng resumé, 2x2 ID photo, photocopy ng training certificates, PRC license (kung mayroon), certificate of employment para sa dati nang nagtrabaho, at diploma.
-Erma R. Edera