UNA nang na-call ng netizens ang attention ni KC Concepcion makaraang hindi sinasadyang litrato ng Channel bag ang na-post ng aktres sa kanyang post tungkol sa lindol. Dahil doon, binago ni KC ang photo sa kanyang caption, at dinisable ang comment box sa nasabing post.
Ngayon naman, ang mom ni KC na si Sharon Cuneta ang na-call ang attention ng ilang netizens at tinawag na “insensitive”.
Post ng Megastar: “I lost a whole clothing size, @jotlosa who makes my outfits had to take my new measurements after the earthquake(!!!) last night. Yahooo!!!”
Hindi nagustuhan ng netizens, na followers din ni Sharon sa Instagram, ang nasabing post nang in-associate ang “Yahoo” sa earthquake.
Para hindi na humaba ang isyu, in-edit ni Sharon ang kanyang caption at inalis ang “Yahoo.”
Komento kasi ng netizen: “You have to mention the earthquake incident like it was not a serious disaster. People died, lives have been impacted negatively. You’re so insensitive.”
Sumagot si Sharon: “I don’t get why you think my having mentioned the earthquake in this post was a ‘big joke’. I have never known for being insensitive—or an idiot—when it comes to serious matters such as this. With the prayer I posted right after the earthquake occurred, I also posted a message. Please don’t be so quick to judge. Apparently you do not know me like a lot of others here.”
Sinundan pa ito ni Sharon ng isa pang post: “Message above goes to you too, @miss_lovelymin, and everyone else who thinks the way you do. Thank you. I will delete the ‘after the earthquake’ part to prevent further confusion. And unfair judgement.”
Samantala, excited na si Sharon na mapanood ng followers at fans niya ang first horror film na ginawa niya sa Reality Entertainment. Napiga raw siya nang husto ni Direk Erik Matti sa Kuwaresma, kaya ang payo niya, panoorin ang pelikula, na showing sa May 15.
“I promise you, ibang-iba ako rito. Hindi ko pa nagawa sa ibang pelikula ang mga ginawa ko rito,” sabi ni Sharon. “You will enjoy the movie at magsama ng kabarkada para may kahampasan at may sabay kayong katilian."
-NITZ MIRALLES