Black Widow for President?

Scarlett Johansson

Scarlett Johansson

Inamin ni Scarlett Johansson,34, na pinag-iisipan niyang pasukin ang mundo ng pulitika, sa inilathalang panayam ng Variety sa kanya nitong Huwebes.

“Maybe some time in the future,” sabi niya. “I think the greatest way to effect change is in local politics. Maybe at some point in the distant future I will feel that calling, but I just haven’t.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pero bago pa man sumapit ang araw na iyon, patuloy na lalabas sa mga pelikula si Scarlett, kabilang na ang Avengers: Endgame, na ipinalabas na sa bansa simula pa noong Miyerkules, April 24.

Lahad ni Scarlett, na gumanap bilang si Black Widow sa nabanggit na pelikula, sa Variety na umaasa siyang ang pelikula ay maghandog ng “cathartic experience for people.”

“I hope that it has a bittersweet, satisfying feeling for people,” aniya pa.

“I feel like people can handle three hours,” sabi pa ni Scarlett tungkol sa tatlong oras na pelikula. “I don’t remember what the running time of Infinity War was. It must have been somewhere around-ish the three-hour mark. I found it to be just riveting. It goes by really fast. I think it’s OK. I have faith people can handle it.”

Biro pa niya sa mga nagbabalak manood: “Bring some almonds.”

Sa naganap na premiere ng pelikula sa Los Angeles nitong Lunes, ipinahayag ng aktres ang kanyang pasasalamat na maging bahagi ng Marvel Cinematic Universe.

“I don’t know what to say, I’m extremely overwhelmed,” sabi ng aktres sa mga dumalo sa screening. “Thank you so much for this past decade of time’s been absolutely life-changing.”

Aniya pa sa emosyonal niyang speech: “It’s been such a pleasure to come to work every day, I feel incredibly fortunate to be with such a beautiful cast of creative people, open-minded people, and it’s been an incredible journey. Impossible to put into words, thank you so much.”

Dumalo si Scarlett sa Monday night premiere kasama ang partner niyang si Colin Jost, at nagningning ang dalawa sa red carpet, ang aktres sa suot niyang silver strapless dress.

Matatandaang ginampanan ni Scarlett ang karakter ni Natasha Romanoff/Black Widow sa Iron Man 2 noong 2010 at siya rin ang gumanap sa role sa ilang Marvel Cinematic Universe films, at siya ay isa sa mga nakaligtas na Avengers sa Infinity War.

Magkakaroon naman siya ng solo movie, bilang si Black Widow, na usap-usapang magsisimula nang isapelikula ngayong taon.