GAZALKENT, Uzbekistan— Muling mapapalaban ang katatagan nina Marc Ryan Lago at Daniel Ven Cariño sa pagpedal laban sa matitikas na karibal at sa malamig na panahon sa road race ng 2019 Asian Cycling Championships (ACC) dito.

Matapos mabigong makapasok sa podium finish sa Individual Time Trial (ITT), nangakoa ng dalawa sa matikas na resulta sa torneo na nilahukan ng mga siklista mula sa 31 bansa.

“I gave everything I got, yet it wasn’t enough,” sambit ng 18-anyos na si Lago, tumapos sa ikaliman sa 13 kalahok sa Men Junior (18-under) ITT.

Cariño, who has raced overseas at least thrice in his young career as member of 7-Pumuwesto naman ang 22-anyos na si Carino, miyembro ng Eleven Roadbike Philippines at Go For Gold continental teams, sa ika-15 sa 18-cyclist race para sa atletang may edad 22 pababa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Like Marc, I tried to fight the cold, but it was too difficult to bear,” sambit ni Cariño.

Lalarga ang karera ni Lago ganap na 1:00 ng hapon (3 p.m. sa Manila) in kung saan umaabot ang lamig sa 11 degrees Centigrade.

Sa pagkakataon na si Cariño na ang pepedel sa ITT, bumagsak ang temperature sa 9 degrees.

Sa kabila nito, kumpiyansa ang Team Philippines, itinataguyod ng PhilCycling at Go For Gold.

“There are more to improve on and work on the team,” pahayag ni Ednalyn Hualda, isa sa national cycling team head coach. “The conditions were simply unbearable.”

Para labanan ang lamig, halos maligo ang Pinoy ng baby oil at petroleum jelly at nagbabalot ng plastic sa katawan. Hindi pinapayagan ng UCI ang paggamit ng Thermal suits.

Sa Biyernes, makakasam nina Lago ang iba pang miyembro ng National Team na sina Efren Reyes Jr. (18) at Ean Cajucom (17) sa 105.6-km Men Junior road race massed start ganap na 11 a.m. (2 p.m. sa Manila), habang makakabalikat ni Cariño sina Ismael Gorospe Jr., Joshua Mari Bonifacio at Jerico Lucero sa 105.6-km Men Junior competition ganap na 3 ng hapon