HANDA nang sumabak ang koponan ng Pilipinas sa 2019 Arafura Games na magbubukas Biyernes ng gabi sa Darwin Waterfront, kung saan kabuuang 91 atleta ang lalaban para sa bandila ng bansa.

boxing

Si Muay athlete Philip Delarmino, silver medalist sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games, ang flag bearer ng Pilipinas sa tradisyunal na ‘parade of the athletes’ sa opening ceremony.

Sinalubong ni Consul General John Rivas ang delegasyon ng bansa kasama ang ilang Filipino na nagsisilbing volunteers para sa nasabing kompetisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) national training director Marc Velasco, deputy chef de mission ng Team Philippines, handa ang delegasyon para makapaguwi ng medalya.

“The delegation is upbeat. They are very excited. I think it’s an advantage that we went on a chartered flight kaya madali nagkakilala ang mga team member. Masaya ang grupo,” pahayag ni Velasco.

“I think we have a good chance to give a good performance in the Arafura Games,” aniya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Velasco sa mga Pinoy na nakabase rito dahil sa kagyat na suporta at mainit na pagtanggap sa mga atleta.

“The athletes feel their presence . They are very warm in giving support. The athletes are overwhelmed with the support na binigay dito,” ani Velasco.

-Annie Abad