DALAWANG linggo na lang ang nalalabi para mangampanya para sa midterm election sa Lunes, Mayo 13. Matatapos ang kampanya sa Sabado, Mayo 11. Ang Linggo ay magiging araw ng pahinga. At tayo ay boboto sa Lunes, simula 6:00 ng umaga.
Para sa national elections, magtatalaga ang mga botante ng 12 senador, kalahati ng miyembro ng Senado, at party-list organizations para sa Kamara de Representantes. Para sa local election, magtatalaga ang mga botante ng gobernador at bise gobernador, alkalde at bise alkalde, provincial board members, at council members.
Sa ngayon, karamihan sa mga botante ay nakapili na ng kanilang mga iboboto. Ngunit magkakaroon ng espasyo sa balota para sa mga walang mapili. Ito ay totoo lalo na para sa mga senador, board members, at council members.
Mayroong mungkahi ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante: Magtungo sa mga presinto na may kodigo – listahan ng mga nais iboto. Makatutulong ito upang mapabilis at maiwasan ang pagkakamali sa pagsagot sa balota.
Marami na tayong karanasan sa automated elections at ang problema ng maraming botante ay ang pag-scan sa mahabang listahan ng mga kandidato at matiyak na mapili ang pangalan ng kanilang napupusuan. Ayusin ang pag-shade sa oval; ang pag-check o cross o iba pang marka ay hindi tatanggapin ng voting machines.
May mga instruction sa bawat machine. Hindi maaaring humigit sa 12 senador ang iboboto, halimbawa; mahigit 12 at ang buong listahan ay hindi tatanggapin. Makatutulong ang kodigo upang maiwasan ito.
Mayroon pang dahilan ang Comelec sa pagmumungkahi sa mga botante na gumamit ng kodigo. Ilang 61 milyong botante ay rehistrado sa mid-term elections at ang iba ay pipiliing hindi bumoto ngayon, mayroon pa ring milyong botante na magtutungo sa mga presinto at kailangan nilang makaboto bago matapos ang botohan na magtatapos sa ganap na 6:00 ng gabi. Ikinokonsidera ang kodigo na makapagpapabilis sa buong proseso.
Kapag mas mabilis ang proseso, makabubuti sa lahat – sa mga botante, sa mga guro na namamahala sa mga presinto, at para sa mga Comelec officials na tututok sa kabuuang proseso, habang hinihiling na walang mangayaring gulo o anumang problema na magiging sanhi ng mga pag-aalinlangan.