Mga Laro sa Sabado
(Niagara Industrial Equipment Corp Gym)
4:00 pm -- Quezon City vs Marikina
5:30 pm -- Pateros vs Pasig
7:00 pm -- Caloocan vs Valenzuela
NAMAYANI ang Caloocan Supremos, 90-67, kontra home team Solid San Juan sa pagpapatuloy ng Metro League Reinforced (2nd) Conference nitong Huwebes ng gabi sa San Juan Gym.
Sumandig ang Supremos sa kanilang depensa sa fourth period kung saan na-outscore nila ang Solid San Juan, 25-9, na nagresulta sa 23-puntos na panalo na nagpatibay sa kanilang kapit sa top spot ng North Division taglay ang 3-1 na marka.
Pinangunahan ni Joseph Brutas ang panalo sa iniskor niyang 22 puntos kasunod si Johnnel Rey Bauzon na may 18 puntos.
Muling nanguna si Michael Canete na tumapos na may double-double 18 puntos at 13 rebounds para sa Solid San Juan na nagbaba sa kanila sa 1-3 marka sa South Division.
Sa iba pang mga laro, naungusan ng Marikina Shoelanders, 64-63, ang Pateros-Metro Asia para sa una nilang panalo sa M-League na suportado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143 bilang league presentor.
Nanguna si Mel Mabigat na nagtala ng 12 puntos, 6 rebounds at 4 assists para sa Shoelanders na umangat sa patas na markang 1-1 sa South Division ng torneo na itinataguyod ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles at San Miguel Corporation.
Nanatili namang winless matapos ang tatlong laro ang Pateros na pinangunahan ni Rickson Gerero na may 23 puntos.
Ipinatikim naman ng Valenzuela Workhorse ang unang kabiguuan ng Taguig Generals, 72-67 sa pamumuno ni Jeric Diego na nagtapos na may 14 puntos.
Dahil dito, umangat ang Valenzuela sa kartadang 2-1 sa North Division ng liga na suportadobrin ng SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream & technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet provider at Manila Bulletin bilang media partner.
Bumaba naman ang Generals sa markang 2-1 sa South Division.
-Marivic Awitan
Iskor:
(Unang Laro)
Marikina (64) -- Mabigat 12, Brown 10, Basco 9, Po 8, Cano 7, Mendoza 7, Gines 3, Catipay 3, Deles 3, Anderson 0, Limin 0.
Pateros (63) -- Gerero 23, Da Silva 11, Asis 9, Arelano 5, Pacleb 4, Velchez 4, Flores 3, Marcial 2, Espiras 0.
Quarterscores: 12-17, 27-33, 49-50, 64-63
(Ikalawang Laro)
Valenzuela (72) -- Diego 14, Sta. Maria 11, Ruaya 10, Laminou 9, Esplana 6, Monteclaro 6, Natividad 5, Tayongtong 5, Rivera 3, Kalaw 3, Dela Cruz 0, Dulalia 0, Gamboa 0.
Taguig (67) -- Ojuola 21, Francisco 10, Grevanni 6, Uyloan 5, Alcantara 5, Mayo 4, Sampurna 4, Oliveria 3, Monte 3, Lontoc 2, Subrabas 2, Gozum 2, Guiyab 0, Gilbero 0.
Quarterscores: 24-20, 34-39, 57-50, 72-67
(Ikatlong Laro)
Caloocan (90) -- Brutas 22, Bauzon 18, Darang 16, Enriquez 13, Niang 11, Sombero 6, Ngo 3, De mesa 1, Fajardo 0, Flores 0, Tay 0.
San Juan (67) -- Canete 18, Castro 14, Dada 10, Acol 7, Saret 6, Abanes 4, Escalambre 3, Miller 3, Matias 2, Astrero 0, Danas 0, Bautista 0, Clarianes 0, Escalambre J. 0, Jacunap 0.
Quarterscores: 22-21, 34-43, 65-58, 90-67