PAGTATAMPOK ng mga katutubong materyales mula Mindanao sa industriya ng fashion ang hangad ng isang grupo sa pagdaraos ng “sustainable fashion fair” na tinawag nilang “Unstitch”.

Ayon kay Jesse Boga Madriaga ng Davao Global Shapers, ang Unstitch ay isang pandaigdigang programa na layuning isulong ang “sustainable fashion”, na nakasentro sa environmental at sustainability campaign na nagsimula noong 2013 sa Estados Unidos.

Nakatakdang ilunsad ngayong Sabado, Abril 27, sa Philippine Women’s College of Davao, itatampok sa aktibidad ang mga likhang-kamay na mga produkto na gumamit ng mga katutubong materyales tulad ng T’nalak – isang tradisyunal na tela na gawa ng mga T’boli sa Lake Sebu, South Cotabato – at ang Inaul ng habing tela ng mga taga-Maguindanao.

Dagdag pa ni Madriaga, ipakikilala sa Unstitch ang “Fashion Revolution,” isang hakbang na “believes in the values of people, the planet, creativity and profit in equal measure.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Magkakaroon din ng storytelling, na nakatuon sa Mindanao fashion makers tulad ng Sesotinawa, isang komunidad ng mga eksperto at kultural na manggagawa na pinagsama ang kultura, sining at kuwento para sa mga T’boli.

Pagbabahagi ni Madriaga, layunin ng aktibidad na isulong ang kaalaman sa publiko hinggil sa mga isyu na bumubuo sa ugnayan ng “fashion and sustainability” — climate change, water stress, polusyon, biodiversity, likas na yaman, pang-aapi sa modernong panahon at modern-day slavery, at pamumuhay.

“This will serve as a platform of exchanging ideas,” aniya.

Umaasa naman ang project co-head ng Unstitch, si Yana Santiago, na makuha ang atensyon ng publiko upang tingnan ang fashion bilang isang puwersa tungo sa kabutihan sa pamamagitan ng aktibidad.

“Fashion Revolution invites us to rethink fashion, to love our clothes more, to become wiser consumers and to be mindful of how our daily fashion choices — buying, washing, disposal — make an impact on the planet as a whole,” ani Santiago.

PNA