PINURI nang husto ang lahat ng cast ng bagong teleseryeng Sino ang May Sala: Mea Culpa? pagkatapos ng advance screening na ginanap sa Dolphy Theater nitong Lunes. Kahuhusay naman kasi lahat at parang bawal yata sa serye ang hindi marunong umarte.

Tony copy

Anyway, nakatsikahan namin nang solo si Tony Labrusca pagkatapos ng screening, at binati namin siya dahil bagong hamon na naman sa kanya ang Sino Ang May Sala: Mea Culpa? pagkatapos ng digital movie nitong Glorious katambal si Angel Aquino at ng unang pelikula niyang ML (Martial Law) kasama naman si Eddie Garcia sa 2018 Cinemalaya Film Festival.

“Oo nga, thankful for another project,” sabi ni Tony.

Bing Davao, pumanaw na!

“Itong role na ito is quite challenging for me to be honest, kasi lahat na roles that I portrayed before was everybody that had the same mentality as me in the sense, na same age as me.

“This time I really have to step up my game by playing somebody, a very educated lawyer who comes from a very wealthy and sophisticated family background, and at the same time may time gap, eh. Tatalon tayo, five years ahead which means, I’ll be my later 20’s.

“It was a struggle for me trying to portray somebody that was so mature kasi a lot of my characters, I use a boyish charm to my character. So it was a little different for me pero, I mean in growth starts out in your comfort zone, so it’s a good experience for me.”

Gagampanan ni Tony ang isang abogado na tumakbo sa public office hanggang sa naging mayor, base sa napanood namin. Kapani-paniwala ang karakter ng aktor bilang ama ng isang bayan na akala namin ay inaral niya ang kanyang karakter, hindi pala.

“To be honest hindi po. Well, inaral lang po namin ‘yung script tapos ‘pag may mga terminology na pang-lawyer, they explained to us kung ano ‘yung meaning saka very straightforward naman.

“Hindi po ako nanood din ng movies (tungkol sa mga abogado), pero si direk Dan (Villegas), may mga pinapanood siyang crime movies that involve people trying to get away with murder.

“Hindi ko rin actually pinanood ‘yung How to Get Away with Murder (US TV series) kasi I’m not sure if I should watch it, kasi the story is about how to get away with murder, so parang I think for me, I’m not sure. Parang I’m enjoying the process of figuring this out on my own without thinking na ‘it’s like getting away,” kuwento ni Tony.

Ayaw ng aktor na sa kapapanood niya ay baka magaya niya ang acting ng ibang tao kaya mas gusto niya ng sariling atake niya sa role.

Sa serye, limang magkakaibigan sina Tony na pawang abogado, tulad nina Ketchup Eusebio, Sandino Martin, Ivana Alawi, Kit Thompson, at Bela Padilla na lahat sila at pantay ang exposure.

“Si Ms Jodi Sta. Maria po talaga ang bida sa story, how she lost her daughter. And the story evolves on how Jodi losing her child and si Bela since nasa kanya ang anak, so it evolves around them a lot. And since mag-asawa na po kami ni Bela kaya lagi rin po akong kasama sa scenes, so I think maganda po ang exposure ko sa show na ito,” sabi pa ni Tony.

Dramatic actor na ang peg ngayon ni Tony, at tapos na ang sexy image niya mula sa Glorious, na talagang pinag-usapan siya nang husto.

Pero ayon sa binata ay hindi pa rin tapos hanggang napapanood pa ang Glorious. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa nasabing digital movie dahil umingay nang husto ang pangalan niya.

“Hindi pa tapos. I never intended naman po to be a sexy actor, hindi ‘yun ang gusto ko para sa sarili ko. Pero in this industry if you have a nice body, that’s a really a bonus, kasi iyon ang gustong makita ng tao, lalo na nu’ng Glorious. It’s human nature to have a wild imagination, so when you give them what they want, when you give them what’s really appealing, sometimes people really go crazy over that, and in my case hindi po ako nagrereklamo kasi nakatulong po iyon sa career ko.

“But I like that I’m playing character that doesn’t rely on it, sexy image, that does not rely on his body. Kung saan kinukuha ni Drei (karakter nya sa Sino ang May Sala) ang character niya, sa pagiging matalino niya, kung paano niya itini-treat ang pamilya niya. I think that’s how the people fall in love with him this time, you know?” katwiran pa ni Tony.

At hindi rin naman niya maitanggi na dahil din sa Glorious ay kinukuha si Tony ng tatlong kilalang brand ng underwear, na tinanggihan muna nila ng manager niyang si Mario Colmenares.

“I think, hindi pa po time, ayaw ko pa pong mag-underwear. Gusto kong tumaas muna ang premium ko, ha, ha ha,” tumatawang sabi ng binata.

Pangarap ni Tony na sana magkaroon siya ng product endorsement, tulad ng toothpaste na puwedeng-puwede dahil maganda ang ngipin niya, lalo na ‘pag ngumiti, softdrinks or soda, juices, sardines, noodles basta household name para may recall sa masa.

Samantala, ang pangarap na bahay na gustong bilhin ni Tony ay pinag-iipunan pa niya.

“Maraming ipon pa po dapat,” aniya, sabay ngiti. “Siguro po next year, may pang-down payment na. Gusto ko po somewhere in Antipolo kasi mas mura pa ang mga bahay doon, unlike in Quezon City, sobrang mahal na po. Tapos siguro mag-rent muna ako ng condo dito for my half-way house ‘pag traffic,” sambit ng aktor.

Ano ba mauuna, bahay para sa mama niya o sa kanya?

‘Sa akin na lang po muna tumira si Mama ko, ha, ha, ha” natawang sabi ni Drei.

Abangan ang Sino ang May Sala: Mea Culpa? sa Lunes, Abril 29 pagkatapos ng The General’s Daughter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

-REGGEE BONOAN