NAKOPO ng Team Liyab, ang professional esports team ng Globe sa pakikipagtulungan ng Mineski, ang kampeonato sa Philippine National Minor event ng League of Legends (LoL) SEA Tour.

liyab

Kakatawanin ng koponan ang bansa sa SEA Tour laban sa matitikas na kopona mula sa Singapore, Malaysia, Thailand, at Indonesia kung saan naghihintay ang US$50,000 premyo.

Matikas na nakihamok ang TeamLibay laban sa TNC Pro Team sa semifinals, 2-0, para maisaayos ang championship duel sa Steelwolves Gaia.

Ginapi ng Bacolod-based squad Steelwolves, kilala sa kanilang kakaibang istilo, ang Arkangel sa hiwalay na semifinals. Sa huli, nanaig ang malawak na karanasan ng Liyab.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Bunsod ng panalo, nahila ng Liyab ang dominasyon sa local at regional esports matapos manaig din sa Hearthstone tournament. Sa nakalipas na weekend, nakamit ni Cara Cute ng Liyab ang karapatan na katawanin ang bansa sa World Cyber Games 2019 nang tampukan ang Hearthstone Philippine National Qualifiers na nilahukan ng 30 players.

Sasabak siya sa Asia-Pacific (APAC) Regional Qualifiers para sa WCG 2019 na gaganapin sa April 27-28.

Patuloy ang pagsuporta ng Globe sa pagunlad ng esports ecosystem sa bansa at nanantiling kumpiyansa sa galing ng Pinoy sa esports.

Nagsimula ang pagsuporta ng Globe sa esports nang simulang ipakilala ang LTE network na naging daan para maitaas ang antas ng kamalayan sa esports. Nakipagtambalana ng Globe sa Riot, developer ng League of Legends, Garena, publisher ng Arena of Valor at Philippine publisher ng League of Legends, at Mineski na naging daan para sa pagbuo ng Team Liyab