Napipinto na namang magpatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P0.75 hanggang P0.85 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P0.70-P0.80 naman sa gasolina.
Babala ng ilang oil company, asahan pa ang price adjustment sa petrolyo, dahil nakasalalay ito sa magiging resulta ng trading ngayong weekend.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
-Bella Gamotea