Magpapatupad ang Manila Police District (MPD), sa pamamagitan ng Traffic Enforcement Unit (TEU), ng road closure at traffic rerouting sa Sabado, kaugnay ng taunang Aliwan Fiesta 2019.

Sa abiso ng MPD, simula 4:00 ng hapon ay sisimulang isara ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula sa Katigbak Drive patungong P. Ocampo.

Sa traffic rerouting, ang mga magmumula sa Bonifacio Drive ay pinakakaliwa sa P. Burgos Avenue, habang ang mga galing sa mga tulay ng Jones, McArthur at Quezon ay maaaring dumiretso sa Taft Avenue.

Ang mga bibiyahe sa westbound lane ng P. Burgos ay pinakakanan sa Bonifacio Drive, o mag-U-turn sa eastbound lane ng P. Burgos Avenue, habang ang mga bibiyahe sa westbound lane ng TM Kalaw Street patungong Roxas Boulevard ay kakaliwa sa MH del Pilar Street.

Senado, minamatahang ipasa 'Anti-political dynasty bill' bago magtapos ang Marso—Hontiveros

Lahat naman ng bibiyahe sa westbound lane ng UN Avenue ay pinakakaliwa sa MH del Pilar, o sa Roxas Boulevard service road, patungo sa point of destination.

Ang mga bibiyahe sa westbound lane ng Quirino Avenue ay pinakakaliwa sa Adriatico, habang ang mga bibiyahe sa westbound lane ng P. Ocampo ay pinakakaliwa sa FB Harrison.

-Mary Ann Santiago