Nanawagan  kahapon  si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles sa mga mananampalataya na manatiling matibay sa kabila ng anumang pagsubok na dumarating sa buhay.

CBCP

Ito ang naging reaksyon ni Valles kasunod na rin ng naramdamang magkakasunod na lindol sa Luzon at Visayas, kamakailan na ikinasawi ng ilang indibidwal, ikinasugat ng marami at ikinasira ng ilang gusali, tahanan at mga imprastraktura.

Nagpaabot din si Valles ng panalangin at pakikiramay sa lahat ng mga naapektuhan ng naturang kalamidad.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinaalala rin niya na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay naghahatid ng pag-asa sa bawat isa sa gitna ng hamon sa buhay.

Iginiit nito, ang pag-asang hatid ng Panginoon ay maituturing na liwanag at tanglaw ng bawat isa sa gitna ng kadiliman.

Tinukoy din niya ang mga masasamang nangyayari sa ating buhay, katulad ng sunud-sunod na banta ng pag-atake sa mga Simbahan at maging ang kalamidad, katulad ng magkakasunod na lindol sa bansa.

“In spite of the continuing darkness of the human situation, violence, poverty, etc. Parang good Friday, calvary, palagi ang buhay, in the resurrection of the Lord we are given hope. Hope that light and goodness will triumph not only that we are promised that eternal life is possible to us that means the resurrection of Jesus can be ours too if we remain faithful, keep our faith,” paalala pa ni Valles.

-Mary Ann Santiago