MARAMING nagulat sa bagong figure ngayon ni Sharon Cuneta nang dumalo siya sa mediacon ng horror movie niyang Kuwaresma, handog ng Reality Entertainment at Globe Studios, sa direksiyon ni Erik Matti. Ang laki kasi ng ipinayat ng Megastar kumpara sa huling presscon niya para sa pelikulang Three Words to Forever nila ni Richard Gomez.

John, Sharon at Direk Erik

Ang ganda rin naman ng ngiti ng Megastar nang pansinin ang pagpayat niya, dahil iyon ang matagal niyang gustong marinig. Sa katunayan, confident niyang ipinakita ang katawan sa harap ng media.

“I lost weight after shooting pa (ng Kuwaresma), tapos nag-Korea kami for the Holy Week, I lost more weight. Parang I don’t have specific cravings anymore.”

Tsika at Intriga

Yen Santos nagsalita na, may ibinunyag na 'something personal'

Inamin ng aktres na nakakalimutan niyang kumain nang ilang araw.

“I don’t really care about people think when I’m mataba. It just happens, it comes to me all of a sudden na ayoko na, gusto ko nang magsuot ng damit na ganu’n.

“It happened this year, medyo delayed siya. Pero it happened to me this year while shooting the movie. Mas gusto kong matulog kaysa kumain. Tapos after the movie, dire-diretso.”

Natatawa ring ikinuwento ni Direk Erik na nagkaroon sila ng problema sa shooting ng mga eksena ni Sharon sa Kuwaresma dahil nga sa biglaang pagpayat nito.

“For a time, nag-panic pa kami kasi bago siya mag-concert sa US, syinut na naming‘yung finale, but it wasn’t finished. We only shot parts of it.

“Pagbalik, sobrang payat ni Shawie pagdating sa set. Magkadugtong ‘yung eksenang ‘yun. Sabi ko, ‘makakalusot ba ‘to na kanina lang, iba ‘yung hugis tapos biglang sobrang payat na sa next cut?” sabi ng direktor.

Nabanggit din ng Kuwaresma lead actress na ayaw na niyang kumain ng pork at biskuwit ang nakakain niya kapag nalilimutan niyang kumain ng full meal.

Samantala, walang ginawa kundi magtawanan sa kani-kanilang kuwento ang mga bida ng Kuwaresma na sina Sharon at John Arcilla. Unang beses magsama ng dalawa sa isang project at ang dami-dami nilang kuwento kung ano ang experience nila sa isa’t isa sa shootings, bukod pa sa sariling experience ni Direk Erik.

Mother’s Day presentation ng Reality Entertainment at Globe Studios ang Kuwaresma, na base sa ipinalabas na magnified trailer ay nakakapanindig balahibo talaga.

Bakit nga ba Kuwaresma ang titulo, e, pang- Mother’s Day naman ang pelikula, at bakit sina Sharon at John ang napiling gumanap?

“When we thought of the movie for Mother’s Day, we thought of someone iconic na mother representation sa movie, and who else can we think of to be the iconic kundi si Shawie. And the scripts that we do parang entertainment pero may joke complex, and we need two actors who can really work together, kayang magbatuhan, kayang magbanggaan sa eksena na hindi mahirapan and that’s why we brought together John,” paliwanag ni Direk Erik.

Naibahagi rin ng direktor na natakot sila na baka hindi tanggapin ni John ang pelikula dahil nga abala ito sa tapings ng FPJ’s Ang Probinsyano bilang kontrabidang si Hipolito.

Nang ipadala naman daw ni Direk Erik at ng producer na si Dondon Monteverde ang script kay Sharon ay hindi sila nahirapan sa Megastar.

“Sinunggaban ko agad. It was my chance. Parang everything gave way na kung saan sila puwede, ‘yun ‘yung blangko sa calendar ko,” sabi naman ni Sharon.

Mapapanood ang Kuwaresma sa Mayo 15 at may premiere night ito sa Mayo 13 sa SM Megamall Cinema 1, mula sa Reality Entertainment at Globe Studios.

-Reggee Bonoan