Napatay ng mga hindi nakikilalang lalaki ang isang incumbent barangay chairman matapos itong pagbabarilin sa mismong piyesta sa kanilang lugar sa Calbiga, Samar, nitong Huwebes ng gabi.

CHAIRMAN

Sa sketchy report ng Police Regional Office (PRO)-Region 8, nakilala ang biktima na si Wilmar “Ebal” Calutan, 40, kapitan ng Barangay Beri, ng nasabing bayan, na dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sinabi ng pulisya na bago ang krimen, pinalibutan ng mga naka-bonnet at armadong lalaki ang bahay ni Calutan habang ipinagdiriwang ang piyesta sa kanilang lugar, dakong 9:00 ng gabi.

Probinsya

King Cobra na nasagasaan ng pick-up truck, pinatay at inulam ng ilang residente

Isa sa mga ito ang pumasok sa bahay at pinagbabaril ang biktima.

Hindi pa masabi ng pulisya kung ang mga rebelde ang nasa likod ng krimen.

Matatandaang anim na sundalo ang napatay nang makaengkuwentro nila ang aabot sa 20 na rebelde sa naturang lugar, nitong Abril 23 ng umaga.

-Marie Tonette Marticio