LUBOS ang paghanga ni 8-times Illinois, USA chess champion International Master (IM) Angelo Abundo Young kay three-term incumbent Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

IPINAGKALOOB ni three-term incumbent Bulacan vice governor Daniel Fernando (ikaapat mula sa kaliwa) ang plaque sa itinanghal na ‘best muse’ sa ginanap na Sportsfest 2019: Bola Kontra Droga sa Brgy. Siling Matanda, Pandi, Bulacan.

IPINAGKALOOB ni three-term incumbent Bulacan vice governor Daniel Fernando
(ikaapat mula sa kaliwa) ang plaque sa itinanghal na ‘best muse’ sa ginanap na
Sportsfest 2019: Bola Kontra Droga sa Brgy. Siling Matanda, Pandi, Bulacan.

Naniniwala si Young, nagdesisyon na manatili sa Marilao, Bulacan matapos ang 27 taong paninirahan sa US, na higit na masusuportahan ang programa sa sports sa buong lalawigan ng Bulacan kung makukuha ni Fernando ang pagka-gobernador.

Sa kasalukuyan, kaisa ni Young si Fernando para isulong Open rapid chess championships, executive event at media chess event sa lalawigan. May mga prizes din nakalaan sa mga kabataan at sa mangungunang manlalaro mula sa Bulacan na kinabibilangan ng 21 munisipalidad.

S i Y o u n g a n g f o u n d e r n g pamosong Touch Move Chess Club sa Chicago at nais niyang ibahagi ang kanyang natutunan sa pagtuturo sa Estados Unidos sa buong Bulacan kasama si Hon. Daniel Fernando.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“Kailangan ng pinakamamahal nating probinsiya na Bulacan ang kagaya ni Hon. Daniel Fernando na malaki ang pagmamalasakit sa mga kabataan, mga kababaihan, senior citizen at sa ating mga atleta,” giit pa ng dating Philippine Junior champion na si Young na sinimulan na ang pagtuturo ng chess sa Marilao sa bagong tatag na Young Chess Academy.

“Marami na siyang napatunayan sa pagsisilbi sa bayan kaya lalong umaasenso ang probinsiya ng Bulacan,”aniya.

Nais ni Young na palakasin ang chess Bulacan sa pagsasagawa ng chess simultaneous exhibition, chess clinic at chess team tournament sa Malolos Sports & Convention Center.