Nakatakdang itaya ni WBO Asia Pacific bantamweight champion Ben Mananquil ang kanyang world ranking bilang WBA No. 9, IBF No. 10 at WBO No. 11 sa bantamweight division sa Hapones na si Yuki Strong Kobayashi sa Mayo 26 sa Osaka, Japan.

Natamo ni Mananquil ang WBO regional title noong Pebrero 10, 2019 sa pagtalo sa 12-round unanimous decision kay WBC Youth world super bantamweight titlist Tenta Kiyose sa teritoryo ng Hapones sa Wink Budokan, Himeji, Hyogo, Japan.

Mahigit isang buwan nang nagsasanay ang tubong Zamboanga del Norte na si Mananquil sa Sanman Gym sa Genral Santos City, South Cotabato at sa palagay niya ay handang-handa na siyang idepensa ang WBO belt kay Kobayashi na natalo sa huling laban nito sa kababayang si Keita Kurihara sa puntos para sa bakanteng OPBF bantamweight crown.

“My training camp is intense. I shall be 100% ready by May 26. I am very positive that I will bring back the belt home. I have won the title on the road,” sabi ni Mananquil sa Philboxing.com. “I have no problem making my defense in the opponent’s turf. I am determined to remain champion and am aiming at a world title shot.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Para naman kay Sanman chief finance officer Dexter Tan, kailangang magwagi ni Mananquil para umangat sa world rankings at magkaroon ng world title crack.

“Ben is a road warrior and has no problem winning against opponents with home advantage. He needs this win and hopefully gun for the world title,” dagdag ni Tan.

May rekord si Mananquil na 17-1-3 na may 4 na pagwawagi lamang sa knockouts kumpara kay Kobayashi na may 14 panalo, 8 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña