Mahilig pala manood ng horror film si Megastar Sharon Cuneta kaya pala disappointed siya na tuwing magbabalak sila noon pa ni Direk Chito Roño na gumawa ng horror film ay laging hindi natutuloy.

Sharon

Kaya hindi rin kataka-taka na kahit busy ang schedule ni Sharon, nang i-offer sa kanya nina Dondon Monteverde ng Reality Entertainment at multi-awarded director na si Erik Matti ang movie na Kuwaresma, ay nagawan niya ng paraan na maisingit ito sa schedule niya. That time ay may US and Canada concert tour siya at ilang araw siyang mawawala.

“Pero naibigay ko ang time ko, kahit ang location namin ay sa Baguio City pa at ilang araw kaming nag-stay doon,” kuwento ni Sharon sa mediacon ng movie. “Noong una nga hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng Kuwaresma, iyon pala ang tawag sa Holy Week. At bakit iyon ang title, dahil nangyari ang story during the Holy Week.”

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Ipinapanood sa mediacon ang full trailer ng movie at talaga namang kikilabutan ka sa mga eksena. Naitanong kay Sharon kung hindi ba siya humawak ng mga pangontra sa mga evil spirits na maaaring nasa location nila sa Baguio?

“I am a Christian pero I was raised a Catholic, kaya naman naniniwala rin ako sa mga ganoon, kaya namigay ako ng mga cross, St. Benedict’s and St. Michael de Archangel’s pendants sa mga kasama ko sa shooting.”

Kasama ni Sharon, na first time niyang nakatambal, ang mahusay na aktor na si John Arcilla, na fan na fan pala ni Sharon at hindi raw niya in-expect na makakatambal niya ang hinahangaang Megastar. Hindi raw siya mahilig manood ng concert pero noong nasa Los Angeles, California siya na last leg ng concert ni Sharon, naghintay siya ng four hours dahil na-delay ang flight ni Sharon, nasiraan kasi ang flight nito from Toronto, Canada. Aniya, bumilib siya sa mga fans na tulad niya na naghintay ng four hours para lang mapanood si Sharon.

Bilib na bilib naman si Sharon sa husay ni John na gumaganap na husband niya sa movie at ama sa mga anak nilang sina Pam Gonzales at Kent Gonzales, magkapatid sila pero gumanap silang kambal sa movie. Parehong hinangaan sa pag-arte ang dalawa na first time lamang gumawa ng movie.

Ang Kuwaresma ay gift ni Sharon sa kanyang fans, followers and supporters in celebration of her 40th year in show business.

Ang movie ay co-produced din ng Globe Studios ni Quark Henares at mapapanood na simula sa May 15.

-NORA V. CALDERON