Nahaharap na naman sa krisis sa tubig ang malaking bahagi ng Rizal, abiso ng Manila Water.

WATER_ONLINE

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng nasabing water concessionaire na ngayong Huwebes ng gabi pa lamang ay mapuputol na ang supply ng tubig sa Silangang bahagi ng Metro Manila.

Aabutin ng siyam na oras ang water interruption sa Binangonan, Baras at Jala-Jala sa nasabing lalawigan, at magbabalik bukas (Abril 26).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay San Isidro, San Roque, Sto. Nino, San Vicente, Kalayaan, San Pedro, Poblacion Ibaba, at Poblacion Itaas, pawang sa Binangonan.

Apektado rin ang Evangelista, Mabini, Concepcion; San Miguel, San Juan, San Jose, Rizal, San Salvador at Santiago sa Baras; gayundin ang Bgy. First, Second at Third District ng Jala-Jala.

Ayon sa Manila Water, magsasagawa ng maintenance work sa Cardona Treatment Facility sa Cardona.

-Nel B. Andrade