Dahil sa mababaeng reserba ng kuryente, muling isinailalim ngayong Huwebes ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa red at yellow alert.
Ayon sa NGCP, epektibo ang red alert status simula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at simula 6:00 ng gabi hanggang 9:00 ng gabi.
Yellow alert simula 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, 5:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi, at 9:00 ng gabi hanggang 11:00 ng gabi.
Ayon sa NGCP, ang kasalukuyang available capacity ay 10,707 megawatts habang ang peak demand ay pumapalo sa 10,534 megawatts.
-Beth Camia