Inaresto ng mga tauhan ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang isang police sergeant dahil sa umano’y pangingikil sa grupo ng mga habal-habal drivers sa Pasay City.

KOTONG (3)

Ayon kay Police Col. Romeo Caramat, head ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) ng PNP, inaresto si Police Staff Sergeant Rommel Macaspac sa entrapment operation sa panulukan ng Luna Street at Buendia Avenue, sa nasabing lungsod.

Isinagawa ang pag-aresto bilang tugon sa reklamo ng isang habal-habal driver na umano’y binantaan ni Macaspac matapos mabigong magbigay ng P2,000 grease money, nitong nakaraang linggo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Natuklasan ni Caramat, kinikikilan ni Macaspac ng P2,000  ang grupo ng mga driver na nag-o-operate sa lungsod kapalit ng pagpayag nilang makapagsakay at makapagbaba ng mga pasahero sa naturang lugar.

“The arrested suspect also threatened him by pointing a gun on his head when he failed to remit the weekly ‘grease’ money last week to the arrested suspect. Aside from this, the arrested suspect took the only money of complainant's wife in the amount of 1500 pesos against her will that prompted the complainant to report the incident to CITF,” paliwanag ni Caramat.

Dinampot si Macaspac nang tanggapin nito ang P1,000 marked money at masamsaman ng 9mm pistol.

Nasa kustodiya na ito ng CITF at inihahanda na ang kasong kriminal at administratibo laban sa kanya.

-Aaron Recuenco at Bella Gamotea