Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
7 pm San Miguel Beer vs. Phoenix Pulse
GANAP na makausad sa inaasam na ikalimang sunod na Philippine Cup Finals para sa target nilang record na 5th straight crown ang tatangkain ng San Miguel sa muli nilang pagtutuos ng Phoenix Pulse sa sa Game 5 ng ng kanilang best-of-seven semifinals series ngayong gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay.
Ganap na 7:00 ng gabi ang simula ng giyera sa pagitan ng Beermen at ng Fuel Masters.
Nakalapit ang defending titlist SMB sa inassam na finals berth pagkaraang iposte ang 3-1 bentahe sa serye matapos muling pataubin ang Fuel Masters sa Game 4 noong Martes ng gabi sa iskor na 114-91.
Bagama’t nakalalamang sa serye at abot kamay na lamang ang target na muling pagpasok sa kampeonato, hindi pa rin umano puwede silang maging kampante ayon kay San Miguel Beer coach Leo Austria.
Inaasahan pa rin ni Austria ang matinding laban na ibibigay ng Phoenix upang patuloy na bihayin ang tsansaang umusad sa kanilang unang franchise Finals appearance.
“We will work really hard the next game because we don’t want to extend the series,” ani Austria. “But it’s not easy because their (Fuel Masters) conference is on the line.”
Sa panig naman ng Fuel Masters, mental toughness ang inaasahang pagsisikapang maipakita ng koponan pagkaraang mapasubo sa pakikipagsabayan sa tinatawag na mind games ng kalaban noong Game 4.
“Tingin ko medyo natalo kami sa mind games. Sabi ko nga sa kanila, parang naging secondary na lang sa’tin yung basketball, primary ginawa natin is makipag-trash talk. Since we’re trailing, tayo yung talo sa labanan na yun,” pahayag ni Phoenix coach Louie Alas.
-Marivic Awitan