SINIMULAN na ng Department of Science and Technology (DOST) ang hakbang upang matulungan ang nasa limang laboratories sa Western Visayas sa pagkuha ng International Organization for Standardization (ISO) certification.

Sa isang pahayag ni DOST-6 Regional Director Rowen Gelonga nitong Lunes, dalawang laboratoryo lamang ng pamahalaan, kabilang ang kanila ang ISO-certified sa rehiyon. Habang isa dito ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-6, na kamakailan lamang nabigyan ng akreditasyon.

“Most government laboratories cannot acquire ISO certification mainly because of the rigid requirements,” aniya.

Ayon kay Gelonga, mahalaga ang ISO certification dahil ito ang paraan upang masiguro sa mga kliyente na may katiyakan ang kanilang “testing services”.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“If laboratories do not comply with data requirement, they cannot give the clients the highest possible level of accuracy results. Laboratories whether government or private must have a quality management system,” saad pa niya.

Pinatatakbo ng DOST-6 ang kanilang laboratoryo base sa ISO/IEC 17025: 2005 o “General Requirements for the Competence of Testing and Calibration Laboratories”.

“Our intention is to make testing a viable industry in the region,” ani Gelonga.

Dagdag pa niya, nagsasagawa na rin ang DoST-6 ng mga aktibidad upang makamit ang target na pagbibigay ng ISO-certified sa limang laboratoryo sa rehiyon sa susunod na dalawa o tatlong taon.

Tinutulungan din anila, ang iba pang pampublikong laboratoryo sa pamamagitan ng “capability-building activities” upang makakuha rin ang mga ito ng sertipikasyon.

Samantala, sinabi ni Gelonga na hinihikayat din nila ang iba pang mga laboratoryo tulad ng Department of Environment and Natural Resources, University of the Philippines-Visayas, at Southeast Asian Fisheries Development Center na kumuha ng ISO accreditation.

PNA