Iniimbestigahan na ng pulisya ang naganap na pagpapasabog sa compound ng isang electric company na pag-aari ng pamilya ni Cabanatuan City, Nueva Ecija Mayor Julius Cesar Vergara sa Barangay Bitas, ng nasabing lungsod, kamakailan.

EXPLOSION

Ayon kay Cabanatuan City Police investigator, Senior Master Sgt. Ronnel Balundo, nangangalap na sila ng ebidensya sa upang matukoy ang mga lalaking naghagis ng granada sa harapan ng gusali ng Cabanatuan Electric Corporation (Celcor) sa Maharlika Highway, nitong Martes, dakong 12:05 ng madaling araw.

Aniya, nasilip na nila ang closed-circuit television (CCTV) camera footage kung saan kitang-kita na ibinato ng isa sa mga suspek ang granada sa nasabing lugar.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Bukod sa CCTV, nanawagan din ang pulisya sa publiko na makipagtulungan sa kanila sa ikalulutas ng kaso.

Kaugnay nito, humiling na ang kinatawan ng Celcor sa pulisya upang mabantayan ang nasabing private distribution utility (PDU) para na rin umano sa kapakanan ng mga residente ng lungsod.

Paliwanag naman ni Celcor operations manager Don Dagamac, kritikal ang kanilang sub-station distribution utility sa kahalintulad na insidente.

Naiulat na nasira sa nasabing pagsabog ang isang L-300 van na nakaparada sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

-Light A. Nolasco