NAGHAHANGAD na lubusan ng mapaghilom ang sugat na dulot ng naging away ng magkabilang panig noong nakaraang qualifier, nais ni Team Pilipinas coach Yeng Guiao na magkaroon ng tune-up games kontra Australia bilang bahagi ng paghahanda para sa Fiba Basketball World Cup.

Ayon kay Guiao, naging panauhin sa PSA Forum nitong Martes sa Amelie Hotel, nais niyang magkaroon ng tune-up Games kontra Australian national team, New Zealand at ilan pang European teams bago sumabak sa torneo sa China sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15.

Ayon kay Guiao, makakatulong ang tune-up kontra Australia upang muling maayos ang relasyon ng magkabilang panig pagkaraan ng gusot na namagitan sa dalawang koponan sa nakaraan nilang laban sa World Cup qualifier na idinaos sa Philippine Arena sa Bulacan.

“We’ve all learned from our mistakes, both sides. Natuto na tayo. I’m sure, ‘yung Australia natuto na rin sa nangyari,” ani Guiao.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bukod sa makakatulong din aniya ang tune-up games sa Australia at New Zealand practikal din aniya ito dahil mas malapit ito sa Pilipinas kesa magtungo pa sila ng Europa.

-Marivic Awitan