HINILING ni Team Pilipinas coach Yeng Guiao ang mahabang paghahanda para sa national team na sasabak sa Fiba Basketball World Cup sa Agosto sa China.

YENG: Kailangan ready kami

YENG: Kailangan ready kami

Sinabi ni Guiao sa isinagawang Phi l ippin e Spor t swr i t e r s As soci a t ion (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel na isinumite na niya ang proposal ng programa ng Gilas sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa mas mahabang ensayo at paghahanda.

Sa inisyal na usapan, naglaan lamang ng 10 araw na ensayo para sa Team Pilipinas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Today nagsubmit ako ng very simple proposal to the SBP and the SBP will now relay the proposal formally to the (PBA) commissioner so that it can be taken up to the board,” sambit ni Guiao.

“We are hoping we can start earlier. Kung matatandaan nnatin, ‘yung previous windows natin, nagkaroon tayo ng 10- day break, 12-day break saka na lang nakakapagfocus totally sa preparation… I’m asking for more than 12 day of continuous daily practice sana. Kung puwede, isang buwan,” aniya.

Iginiit ni Guiao na mas mainam kung magsisimula ang paghahanda ng mas maaga bago Mag-Hunyo upang masiguro ang katatagan ng koponan na sasabak sa World Cup sa Agosto 31 hanggang September 15 sa China.