BUMIDA ang mga miyembro ng Philippine Team nang sandigan ang kani-kanilang koponan, habang matatag ang Team Joola sa Executive Open sa ginanap na 16thUni-Orient-TATAND (Table Tennis Association for National Development) Inter-Scholastic Table Tennis League kamakailan sa San Beda University gymnasium sa Mendiola, Manila.

IPINAGKALOOB ni TATAND honorary president Charlie Lim (ikalawa mula sa kanan) ang tropeo at premyo sa mga nagwagi sa single event competition ng 16th Uni-Orient-TATAND Inter-Scholastic Table Tennis League kamakailan sa San Beda gymnasium.

IPINAGKALOOB ni TATAND honorary president Charlie Lim (ikalawa mula sa kanan) ang tropeo at premyo sa mga nagwagi sa single event competition ng 16th Uni-Orient-TATAND Inter-Scholastic Table Tennis League kamakailan sa San Beda gymnasium.

Pinangunahan nina John Diez at Ramito Romualdo, kapwa nakalusot sa isinagawang national tryouts para sa National training pool, kasama sina Francis Bendebel at Kerbie Sta. Ana ang National University laban sa University of Santo Tomas sa college men’s team open play ng torneo na inorganisa ng TATAND at itinataguyod ng Uni-Orient Tour at Joola equipment.

Kabilang si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez sa mga panauhin na nakiisa sa opening ceremony kasama ang mga opisyal ng TATAND, sa pangunguna ni honorary president Charlie Lim at Philip Uy.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“This is part of TATAND commitment and continuous program for the development, particularly in grassroots level of table tennis. Aside of this, we’re sending a delegation in China for sports exchange program every year,” pahayagt ni Lim, sumabak din sa executive event ng torneo.

Sa women’s college team open, nangibabaw ang Philippine ranked player na si Emy Rose Dael para sandigan ang La Salle sa kampeonato laban sa San Beda University. Kasama ng 20-anyos na si Dael sina  Jannah Romero, Chantal Rei Alberto at Yna Co sa dominanteng kampanya sa dalawang araw na torneo.

Nakumpleto ni Dael ang double celebration nang pagwagihan ang Women’s single open title laban kay Sherlyn Love Gabisay ng UST.

Tulad ng inaasahan, nadomina ni table tennis phenom Kheith Ryynne Cruz ang mga karibal para pangunahan ang PCAF Tough Dog sa High School Girls Team Open (Grade 7-12) championship kontra sa University of Santo Tomas.

Kabalikat niya sina Althea Jade Gudes, Janna Mae Paculba at Angel Joyce Laude para mapabagsak ang UST squad na binubuo nina Emery Faith Digamon, Leigh Erika Villanueva, Kaela Deine Aguilar at Han Song Hee.

Sa Veterans/Executive class, naisalba nina Peter Lam, Philip Uy, Makoy Yeh at Mike Dalumpines ng Team Joola ang matikas na ratsada ng PNP Crime Lab-Altruists nina Paul Puentespina, Rodel Valle, Col Bonnie Chua at Emon Abonitalla sa championship match.

Nakamit ng Triple Charles nina Charlie Lim, dating national player Julius Esposo, Gigi Aguinalde at

Gregorio Pascua ang ikatlong puwesto.

Sa isa pang event, nagwagi ang DLS-Zobel – EJ Yamson, Dino Marcelo, Neo Laudato at Ludwig Salloman – sa high school boys team open (Grade 7-12); nanaig ang Star Power -- CJ Yamson,Gab Docto, Dylan Ancheta at Marc Steven Pabelic—sa elementary boys team (Gr. 1-6); kampeon ang Spin & Drive -- Samantha Bandojo, Lorraine Almodovar, Julianne Bandojo at Cate Jazzlyne Sarmiento – sa elementary girls team open (Gr. 1-6);

Bumida sa Blue Chief sina Jayvee Nuera, Lyndon Jose at Kian Bolado para sa college men’s team class B; habang nanguna ang Ateneo -- Trina Cruz, Hellari Calvo, Angela Borbon at Geque Carado – sa college women’s team Class B.

-Edwin Rollon