Tiyak na nakararamdam na ng nerbiyos ang ilang opisyal ng pamahalaan matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-iiwan ito ng dismissal letters bago bumiyahe patungong China, kahapon.

Ang biyahe ng pangulo sa China ay para sa pagdalo nito sa Belt and Road Forum.
Gayunman, tumanggi pa ang Pangulo na tukuyin kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na apektado ng sibakan sa puwesto.
Aniya, wala siyang magagawa kundi gampanan nang maayos ang tungkulin nito laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
"Wala akong magagawa, sibahkin na lang ang mga opisyal na kurakot lang ang alam gawin hanggang matapos ang aking termino sa 2022," wika ng Pangulo.
-Beth Camia