ILOILO CITY – Nabaril at napatay ng mga awtoridad ang isa umano sa suspek sa pamamaslang sa isang alkalde ng Negros Occidental noong 2010, matapos na pumalag habang inaaresto sa Dingle, Iloilo, kaninang ng umaga.

KILLER

Ang suspek na kinilala ng mga awtoridad na si Rammy Enojo, ay binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen sa Bgy. Tambunak, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Paliwanag ng pulisya, biglang kumuha ng baril at granada ang suspek nang tangkain itong dakpin kaugnay ng mga kinasasangkutang kaso, kaya binaril ito.

Probinsya

DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng kindergarten pupil na tinamaan ng ligaw na bala sa klase

Sa rekord ng pulisya, si Enojo ay isa sa itinuturong bumaril kay Pulupandan mayor Luis Mondia, Jr., 56, sa labas ng Jaro Metropolitan Cathedral, noong Pebrero 17, 2010.

Katatapos lamang ng biktima na dumalo sa misa, kasama ang asawa, nang maganap ang pamamaslang.

Sangkot din umano si Enojo sa robbery drug group na nag-o-operate sa ikaapat at ikalimamg distrito ng Iloilo.

Sa report, si Mondia ay kumakandidato sa pagkaalkalde laban kay incumbent mayor Magdaleno Peña sa naturang bayan.

Nasamsam sa suspek ang isang 12-gauge shotgun, isang cal. 38 revolver, at isang granada.

-Tara Yap