Patay ang isang lalaki nang mahulog umano mula sa ika-5 palapag ng isang mall sa Quiapo, Maynila, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Artemio Bunque, 54, ng Iba Street, Paang Bundok, Quezon City.

Ayon sa saksing si Diosdado Veloso, 64, siya ay nasa ika-5 palapag ng mall upang manood ng pelikula nang makita si Bunque na nakatayo at hawak ang security fence ng atrium nitong Abril 23, sa ganap na 3:00 ng hapon.

Sa imbestigasyon, nahulog ang biktima sa basement ng mall at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Probinsya

DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng kindergarten pupil na tinamaan ng ligaw na bala sa klase

Agad na humingi ng saklolo ang mga guwardiya ng mall sa mga pulis.

Ayon sa awtoridad, pag-aaralan nila ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa loob ng mall.

-Erma R. Edera at Mary Ann Santiago