HINIKAYAT ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa Ilocos Norte ang mga lokal na residente, partikular ang mga nakatira sa bulubunduking bahagi, na tumulong upang maiwasan ang pagsiklab ng grassfire ngayong panahon ng tag-init.
Sa pagbabahagi ni Estrella “Baby” Sacro, project manager ng Barangay Ranger Officers, nitong Sabado, sinabi niyang nagkaroon ng insidente ng grassfire nitong mga nakalipas na taon at maaari itong maiwasan gamit ang tamang mga pamamaraan sa pag-akyat ng bundok.
Sa Ilocos Norte, ilang local government units kabilang ang mga bayan ng Piddig at Carasi ang mahigpit na nagbabantay sa mga komunidad at pinaaalalahanan ang mga nakatira doon sa epekto ng grassfire sakaling manalasa ito sa lugar.
Ayon kay Sacro, malaki ang inilaan ng pamahalaan para sa National Greening Program ngunit mawawalan ito ng saysay kung patuloy na sisirain ng mga tao ang kabundukan.
“We have been conducting a lot tree planting activities while taking care of our remaining forests. We enjoin everyone to observe discipline and respect Mother Nature which nurtures our daily needs,” pahayag ni Sacro sa isang panayam.
Paliwanag ng isang fire officials, halos 95 porsiyento ng mga nagaganap na wildfire ay dulot ng mga aktibidad ng tao.
Pinayuhan din ni Sacro ang mga tao na gamitin ang mga dumi ng sakahan bilang pagkain ng hayop o gawin itong organic fertilizer sa halip na sunugin ang ito.
Habang mas pinaiigting ng mga opisyal ng DENR ang pagbibigay ng kaaalaman sa mga tao, bumubuo naman ng mga fire brigades sa bawat komunidad upang pamahalaan ang mas maayos na komunikasyon kasama ng mga awtoridad sakaling magkaroon ng totoong insidente ng sunog.
PNA