PATOK sa takilya ang pinakabagong singing-reality competition ng ABS-CBN, ang Search for Idol Philippines, na nagsimula nitong Linggo, April 21, dahil ito ang may hawak sa record ng fastest ABS-CBN show na nakakuha ng 100,000 subscribers sa YouTube at ito rin ang nagunang show nitong weekend.

Regine, Vice, James, at Moira

Kahit iisang episode pa lamang, wala pang 18 oras matapos iere ang episode, naabot na agad ng show ang major milestone sa YouTube dahil nga naabot nito ang nasabing figure, at kalaunan ay gagawaran ito ng Silver Creator Award ng YouTube. Pinatunayan din nito ang online prowess nito nang maging number one trending video ang performance ng idol hopeful na si Angie Kristine sa YouTube, sa nakuhang 1.8 million views a day after it was uploaded. The four audition clips have reached a total of 6 million views on YouTube in just 24 hours. Trending din sa Twitter ang show na may official hashtag na #IdolPhilippines at related trending topics gaya ng #IdolPHRegineV, #IdolPHJudgeVice, #IdolPHJudgeMoira, #IdolPHJudgeJames, at maging ang mga pangalan ng mga idol hopefuls ay nakapasok sa listaha ng trending topics. Samantala, mabilis namang ibinahagi ng netizens ang kanilang pagkasabik sa social media at parehas nilang pinuri ang mga hurado at contestants.

“I think the reason why James and Moira were judges is because singers now have evolved so much. The genres are all different. It’s no longer ‘birit lang nang birit,’” tweet ni @Markie54439830. “I wanna congratulate ABS-CBN and the entire crew and staff for a very successful pilot episode! Kudos to the director and the cinematographers for the upgrade in terms of shots and angles,” komento naman ng YouTube user na si Alcey Sassy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“We watched last night and I think we want more kaya excited na kami sa mga next episode. We’re so proud of bumbum James that’s why we’re here until the destined ‘Idol Philippines’ hopeful wins,” singit naman ng Facebook user na si Nikki Alexis. Samantala, marami ang nag-abang at nanood ng premier ng show dahil sa naitala nitong national TV rating na 30.6%, o 17.4-points na mas mataas kumpara sa Studio 7 na rumehistro lamang ng 13.2%, ayon sa datos ng Kantar Media.