Nagpahayag ng pagkaalarma si Commissioner Jaime Morente, ng Bureau of Immigration (BI), hinggil sa tumataas na bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatangkang umalis sa bansa gamit ang pekeng overseas employment certificates (OECs).
"I am alarmed reading reports from our port operations division (POD) about this modus. It appears that these syndicates are using every trick they can think of to spirit their victims out of the country," sinabi ni Morente.
Ipinag-utos ni Morente kay POD chief Grifton Medina na alertuhin ang lahat ng mga personnel na namamahala sa immigration departure counters hinggil sa mga pekeng OECs na ginagamit ng mga 'di dokumentadong OFWs.
Ibinahagi ni Medina na inatasan na niya ang mga miyembro ng bureau’s travel control and enforcement unit (TCEU) na magtalaga ng karagdagang mga tauhan na mamamahala sa pre-screening ng mga papeles ng mga OFWs.
“Those victims with questionable documents will be immediately subjected to secondary inspection. If their papers are found to be indeed spurious, they will not be allowed to depart," dagdag ni Medina.
-Jun Ramirez