DAHIL sa mga komento ni Asia's Songbird Regine Velasquez, sa pamamagitan ng tweets, para kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary, Teodoro "Teddy" Boy Locsin noong Holy Week, binuweltahan naman ng matapang na komentaristang si Ben Tulfo ang singer.

BEN, REGINE_1

Nag-ugat ito sa reaksiyon ni Locsin sa isyu tungkol sa pangunguha ng endangered giant clams ng Chinese vessels sa Panatag Shoal.

Tweet ng DFA secretary noong April 16, Martes: "I am not going down in history as a clam defender, okay? It's a complaint; we're looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locmariaquer) but they just happen to be our food. They should pay for them like in fish market."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Noong April 18, Maundy Thursday, ay nagkomento si Regine hinggil dito sa pamamagitan din ng Twitter:

"Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay (simpleng) tao lamang na may simpleng pag-iisip. These people are invading our territory they are not just taking food (sinisira) nila ang ating karagatan!!!!”

Sagot naman ni Locsin kay Regine: "Pero ang problem ay hindi po territorio natin ‘yun. EEZ."

Noong Lunes, April 22, habang nasa loob ng kanyang sasakyan ay nagpakawala ng maaanghang na salita si Ben Tulfo laban kay Regine sa pamamagitan ng Facebook Live.

BEN, REGINE_2

Kinuwestiyon ni Tulfo ang kaalaman ng Kapamilya star sa isyung pinag-uusapan.

Patutsada ng komentarista, "Ang mensahe ko sa 'yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo ‘yung isyu and you can talk about it.

"Hindi mo ito balwarte. ‘Yung kaalaman mo, itago mo na lang. Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa, The Songbird of Asia.

"C’mon, be real. Ang pagkanta-kanta mong ‘yan, hindi uubra sa sinasabing eto ‘yung mga issues na delicate. Kung ako sa Bitag, nagsasalita sa isyu, I try to stay away from that until mababalanse ko.

"If you pick on somebody like Teddy Locsin, come on, lalamunin ka niyan.

"He’s gonna chew you up, spit you out."

Ang Bitag ay ang hinu-host na investigative and public service program ni Ben Tulfo, at napapanood sa government-owned network na PTV4.

Idinamay rin ni Tulfo si Vice President Leni Robredo, na tinawag niyang "bobo," dahil sa umano’y pagpabor nito sa pagsasalita ng mga showbiz personality tungkol sa mga isyung may kinalaman sa pamahalaan.

"Na-inspired si Leni sa mga showbiz entertainer na magsalita tungkol sa isyu. There we go again, another B-O-B-O or B-O-B-A… boba!

"Bakit mo hinihikayat sa pagsasalita ang alam, e, pagkanta lamang? Wala naman talagang kaalaman pagdating sa sinasabing kanilang mga pananaw pagdating sa foreign affairs."

Nagpatuloy si Tulfo sa pangungutya kay Regine.

Pahayag niya, "Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang? Kung hindi man, career na medyo dwindling down and so, speaking up like may alam pagdating sa mga foreign relations or foreign affairs.

"Ang isang entertainer na I’m not trying to pull down, I question ‘yung kanyang credentials when it comes to college, I don’t even know if she does have any subject in political science.

"Excuse me, kasi if you try to pick on the Foreign Affairs Secretary and then sasabihin mo, ‘akala ko ba matalino ka’, ang pagiging matalino is relative. May mga tao na matatalino, praktikal. May mga tao na matatalino, talagang likas ang katalinuhan at alam pagdating sa mga issues, tulad ng foreign affairs. Or, if not, may mga taong matalinong quiet.

"So, ‘yung statement nitong si Regine Velasquez, for me, is something na nakisawsaw, nakiangkas sa isyu na wala naman talagang alam."

Patuloy ni Tulfo, "Mas maganda siguro ‘pag ang isang indibiduwal nagsalita, let it be someone expert in the field.

"Kapag ikaw kasi ay nandiyan sa sinasabing entertainer ka lang, in a world of entertainment, ang trabaho mo’y magbigay-aliw sa pamamagitan ng pagkanta, para kang pipit, ‘yung Songbird kung tawagin.

"Maraming nagsasabi, 'Siguro itong si Regine Velasquez, wala na talagang career, e, striving.

"For how many years almost I came to know na bagu-bago pa ang Bitag, Regine Velasquez na ‘yan. Ngayon, nanay na.

"Siguro hindi na matanggap ‘yung kanyang career na medyo dwindling na, e, pana-panahon lang ‘yan.

"So eto, nagsasalita sa social media talking anything under the sun talking particularly pagdating du’n sa sinasabing foreign relations."

Si Regine ay may dalawang umeereng programa ngayon sa ABS-CBN: Ang Sunday musical-variety show na ASAP Natin 'To, kung saan siya ang itinuturing na headliner, at ang kasisimula pa lamang na singing search na Idol Philippines, kung saan siya ang pangunahing judge.

To the rescue naman kaagad ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid, isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa It's Showtime dahil sa ginawang pang-aalipusta ni Tulfo sa singer-host.

Nitong Miyerkules ng umaga, April 24, ay nag-post ng mensahe si Ogie para kay Tulfo sa Twitter.

Dahil sa tweet/message ni Ogie kay Tulfo, napukaw ang curiosity ng publiko kaya nadagdagan ngayon ang viewers ng two-day-old Facebook Live post ng komentarista.

-ADOR V. SALUTA