MAGSASANIB-PUWERSA ang mga lungsod ng Maynila at Pasay upang itanghal ang pinakabonggang piyesta sa kapuluan – ang Aliwan Fiesta – na gaganapin mula ika-25 hanggang ika-27 ng Abril, sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Satar City, at Sentrong Pangkulutura ng Pilipinas.

ALIWAN

Ang taunang kapistahan ay sisimulan ng Shoppers Bazaar at Pasakalye sa Sotto Street, kaharap ng Aliw Theater. Dito magkakaroon ng mini concert ang Ben&Ben, ang Juan Karlos band, This Band at Extreme Lab.

Sa ika-26 ng Abril naman maglalaban-laban ang naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang lalawigan para sa korona ng Reyna ng Aliwan, kung saan aawit din sina Christian Bautista at Jason Fernandez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang malaking paradang magtatampok sa iba’t ibang kapistahan mula hilaga hanggang katimugan ng bansa ay gaganapin sa Sabado, ika-27 ng Abril, mula Quirino Grandstand at babaybayin ang Roxas Boulevard patungong Aliw Theater sa CCP Complex, kung saan gaganapin ang mismong streetdance at float competition. Isang milyon ang nakalaan sa magwawaging festial streetdancers, at kalahating milyon naman sa float design.

Tampok na panauhin ang 6 Cycle Mind at si Vin Abrenica.

Ang Aliwan Fiesta 2019 ay suportado ng Pride Detergent, Unique Toothpaste, White Rose Kojic Whitening Soap, Smart Dishwashing Paste, Star Wax, Tanduay, TM, Dunkin’ Donuts, Symdex D, Asian Institute of Computer Studies, Senokot, GES Led Light, Whiteflower, at Nature Spring Mineral Water.

Para sa karagdagang detalye, tunghayan ang Aliwan Fiesta official Facebook pagr, o ang website na www.aliwanfiesta.com.ph.