Pinapangako ni Robin “The Ilonggo” Catalan na magpapasabog kapag nakaharap na ang local favourite na si Pongsiri “The Smiling Assassin” Mitsatit sa ONE: WARRIORS OF LIGHT na may live broadcast mula sa Impact Arena in Bangkok, Thailand sa Biyernes, Mayo 10.

Balak sundan ni Catalan ang kanyang pangapat na panalo sa limang naging laban niya pero ang pagpanalo ay mas madaling sabihin kaysa sa gawin.

May hawak si Mitsatit na 9-2 professional mixed martial arts record, at isa sa pinakamagagaling na young talents ng Thailand.

Ang 22 anyos ay isang Northern Thailand Muay Thai Champion na kilala sa kanyang abilidad na pagaanin ang mga kalaban. Sa siyam na panalo sa kanyang career ay pito ang knockout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“He’s young and prepared, and he’s fighting in his home country, so he certainly has an advantage,” pahayag ni Catalan.

“He has very sharp striking, and I would assume that his grappling has improved also. But I won’t let him get a win over me. I won’t allow it.”

Darating si Catalan sa strawweight contest na mas motibado at inspirado dahil sa pagkakapanalo ng kanyang kapatid na si Rene sa The Home Of Martial Arts.

Si Robin naman ay naging matagumpay din nitong huli nang matalo niya ang Indonesian martial arts hero na si Stefer Rahardian sa Jakarta noong Enero.

Ngayon ay handa na siyang pumasok sa bayan ng kanyang kalaban at talunin si Mitsatit at panatilihin ang momentum ng Catalan Fighting System.

“Everything that we worked for in the gym, it worked in our last fight. The start of the year was good for us, and I hope for it to continue,” sabi ni Catalan.

“Like my brother, Rene, I dream of one day becoming a World Champion.

-ONE Championship