NAGBABALA si WBO bantamweight champion Zolani Tete ng South Africa na patutulugin niya kung sino man ang haharang sa kanyang landas kaya malinaw na binantaan niya si WBA 118 pounds titlist Nonito Donaire Jr. ng Pilipinas na makakaharap niya sa semifinals ng World Boxing Super Series sa Abril 27 sa Cajun Dome, Lafayette, Louisiana sa United States.

Nagsasanay ngayon si Tete sa ilalim ni Floyd Mayweather Sr. at ipinagmalaki niyang maraming siyang natutuhan at handa nang sumabak kay Donaire.

“Preparations have been excellent for the fight,” sabi ni Tete sa BoxingScene.com. “I’ve been out in Las Vegas and it’s been very enjoyable. Mayweather Sr. has been the x-factor which has psychologically uplift us to another level, he’s the last piece of the puzzle we needed for this fight.”

Ngunit hindi biro ang haharapin ni Tete na 36-anyos na si Donaire na naging kampeon sa limang dibisyon ng boksing at kasalukuyang

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

WBC Diamond at WBA Super world champion bagamat iginagalang niya ang Pinoy boxer.

“I’m expecting a very good challenge from Nonito Donaire,” sabi ng 31-anyos na si Tete. “He may be coming to the end of his career but he is still a dangerous fighter operating at a high level, but it will be me who will come out on top in the fight. I’m in a really good place right now, feeling fit, feeling powerful and I can’t wait for the fight.”

“All the guys in the tournament are tough, but it depends when they meet me, if they are gonna bring their toughness, because there is one thing I know about myself and about my team,” dagdag ni Tete. “We can break you into pieces! Who ever stands in my way is staying in the rail way and the train will come … and take him out.”

May rekord si Tete na 28 panalo, 3 talo na may 21 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Donaire na may 39 panalo, 5 talo na may 25 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña