NAGPAALALA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko laban sa paninira o pagba-vandalize sa mga panuto o road signage, dahil maaari itong magdulot ng aksidente.

Ayon kay Engineer Raul Armada, hepe ng DPWH Antique Maintenance Division, maraming contractors ang nagrereklamo na nawawala, nasira, o kaya ay tinatanggal ang mga road signage na kanilang inilalagay.

“We already coordinated with the barangay officials so that they could help us safeguard the road signage,” pahayag ni Armada.

Aniya, may ilang tao na mahilig magbiro sa pagtatanggal ng mga road signage na nagbibigay ng mga paalala sa mga driver na delikado ang lugar na kanilang dadaanan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi rin ni Armada na nagpatupad ang DPWH sa Antique District ng “Lakbay Alalay” upang masiguro ang kapakanan ng mga motorista nitong Mahal na Araw.

“As part of promoting road safety, road signage had been put in place by project contractors throughout the province,” aniya.

Nabanggit din ni Armada na naglagay na ang DPWH ng “rumble strip” sa lugar kung saan nahulog ang Ceres Bus sa Barangay Igbucagay sa Hamtic, bago ang aksidente.

“The rumble strip will serve as warning to the approaching motorists to slow down,” aniya.

Dagdag pa ni Armada, inutusan na rin ng punong tanggapan ng kagawaran ang DPWH Antique District na bumuo ng master plan na tutugon sa problema ng mga aksidente sa lugar.

“We are right now coming up with a master plan for the road widening,” aniya.

Ang nasabing proyekto ay sinasabing popondohan sa ilalim ng “Build, Build, Build” ng pamahalaan.

PNA