NUMISKOR si Joaquin Collo sa extra time para sandigan ang Makati Football Club kontra Asia Football School Indonesia, 1-0, para makamit ang Boys 13’s (2006) Cup gold medal kamakailan sa JSSL Singapore Professional Academy 7s sa The Tampines Hub sa Singapore.

ANG Makati Football Club sa matagumpay na kampanya sa Boys 13’s (2006) Cup gold medal ng JSSL Singapore Professional Academy 7s.

ANG Makati Football Club sa matagumpay na kampanya sa Boys 13’s (2006) Cup gold medal ng JSSL Singapore Professional Academy 7s.

Umusad ang MFC sa Cup matapos sumegunda sa Group A tangan ang 10 puntos.

Bago ang title match, ginapi ng MFC ang SBAI Garuda Jaya (1-0) at ASSBI (1-0) para maibawi ang kabiguan sa JSSL FC-1 ng Singapore, 1-0.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Nangibabaw ang MFC sa Boys 10’s (2009) Plate Final kontra China’s Aksil 1, 1-0, at nakamit ang silver medal sa Boys 16’s (2003) Cup, laban sa koponan na may halong professional team mula sa Australia, Perth Glory.

“Our boys 16s qualified for the Professional division, which included the likes of Arsenal, Urawa Reds, Valencia, Fulham and Perth Glory,” pahayag ni SeLu Lozano, chief operating officer ng MFC.

Ang JSSL Singapore Professional Academy 7s ang pinakamalaking youth football tournament sa Asia na nilahukan ng 420 koponan mula sa 17 bansa.

Nagpadala rin ang MFC ng koponan sa boys 9s, 11s, 12As, 12Bs, 14 s at 15s brackets,gayundin sa girls 14s category.

“Even with the rapid growth of the tournament in terms on number on teams participating and the level of play immensely increasing, MFC was still able to finish third in the overall championship points this year,” ayon kay Lozano.

Sunod sa programa ng MFC ang international competitions sa Paris World Games at Gothia Cup sa Sweden sa Hulyo 6-22 kung saan limang koponan ang kanilang dadalhin.

Ang MFC ang isa sa pinakamatandang youth football development program sa bansa mula noong 1976.