BANGUED, Abra – Isang kandidato bilang konsehal ng Tayum, sa ilalim ng PDP-Laban, ay binaril umano ng kapitan at dalawa nitong kapatid habang ang nangangampanya sa Tayum, Abra, ngayong Martes.

ABRA_ONLINE

‘I will not arrest him!’ Pagdating ni SILG Remulla sa Senado, ‘di para arestuhin si Sen. Bato!

Sa ulat, nangangampanya si Alexander Echabe, kasama ang kanyang running mate sa pagka-vice mayor, nang barilin ito sa ulo.

Ayon kay Joey Brillantes, nagtungo sila sa Sitio Ananao, Barangay Budac, para mangampanya nitong Martes, sa ganap na 9:00 ng umaga, nang dumating ang suspek at binaril ang biktima.

Ayon kay Brillantes, mabilis na tumakas ang mga suspek at isinugod ang biktima sa ospital.

-Rizaldy Comanda